Aug 8, 2007

Sam nanghihinayang kay Toni

NANGHIHINAYANG si Sam Milby na meron nang boyfriend ngayon si Toni Gonzaga. Pero ganun pa man, masaya pa rin ang singer-actor dahil nananatili raw silang magkaibigan ng singer.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Minsan na ring na-link si Sam kay Toni. Naging close ang dalawa habang gumagawa ng pelikula under Star Cinema. Ang akala nga ng marami ay sila na, pero hindi pala.

There was a time, nung naaksidente si Toni sa shooting ng commercial, na

sobrang nag-alala si Sam. Pinuntahan niya agad ang dalaga para tingnan ang kalagayan nito. Pero ang concern palang ‘yon ay para lang sa isang kaibigan.

Now that Toni admitted na meron na siyang Paul Soriano, wala nang chance si Sam. Mabuti na lang at available ngayon si Anne ang isa pang nali-link kay Sam. Kung hindi sila na-ging magdyowa ni Toni, baka naman si Anne talaga ang para sa kanya.

Samantala, nagsisimula na ulit mag-taping si Sam para sa book 2 ng Maging Sino Ka Man na ang balita namin ay sa January of 2008 sisimulang ipalabas.

Nang tanungin namin siya kung makakapartner pa rin niya sa soap si Anne ay ngumiti lang ang binata at nag-no comment.

Pag-isipin ba kami?
Leo M. Bukas
People's Taliba

No comments: