Aug 9, 2007

Robin Padilla, babalik sa Dos?

ABS-CBN insider ang nagkuwento sa amin na malapit nang bumalik sa Kapamilya network si Robin Padilla.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ayon sa aming source, kung hindi siya nagkakamali, babalik si Robin sa ABS-CBN sa January 2008.

News sa amin ang pagbabalik sa ABS CBN

ni Robin dahil meron pa siyang isang TV series na gagawin sa GMA 7, ang Joaquin Burdado.

Hindi pa nag-uumpisa ang taping ng Joaquin Burdado at kung babalik si Robin sa ABS-CBN sa January 2008, posibleng magkaroon ng conflict na puwedeng pag-ugatan ng network war.

Dati nang talent si Robin ng ABS-CBN bago siya lumipat sa GMA 7 para gawin ang Asian Treasures.

Si Angel Locsin ang kapareha ni Robin sa Asian Treasures na naging maingay at kontrobersyal ang paglipat sa ABS-CBN.
Jojo Gabinete
Abante

No comments: