Piolo is Angel's new leading man?
Hindi pa namin kumpirmado pero kung ang mga impormasyong nakararating sa amin ang paniniwalaan ay si Piolo Pascual ang unang makakatambal ni Angel Locsin sa unang pelikula ring gagawin niya para sa Star Cinema.
Pati sa unang seryeng pagbibidahan niya sa ABS-CBN ay si Piolo rin ang
matunog na pinag-uusapang makakatambal ni Angel, isang magandang love story na ang binabalangkas ngayon ng mga writers ng istasyon para kina Piolo at Angel.
Nakabuslo na ang pagpirma ng kontrata ngayon ni Angel sa ABS-CBN, pagdating na pagdating niya ay yun ang kanyang uunahin, wala nang kuwestiyon ang magkabilang panig sa kontratang pipirmahan ng batang aktres.
Malinaw na nakasaad dun na bibigyan nang sapat na panahon ng pahinga ng Dos si Angel, hindi man direktang sinasabi sa kontrata ang salitang pahinga, may mga paraan para mailahad yun nang patagilid.
Kunsabagay marespeto naman ang Dos sa kanilang mga artista, nandun ang kanilang malasakit, ipinatutupad nila nang mahigpit ang cut-off sa taping nila.
Cristy Fermin
Pilipino Star Ngayon
No comments:
Post a Comment