Aug 8, 2007

Ogie and Regine, may kulang pa

MAY kulang pa sa relas-yon nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid kahit ina-min na nila ito sa publiko. Dapat ay magpakasal ang dalawa para kumpleto ang bonding ng kanilang pag-iibi-gan.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Pa-ngit nga namang tingnan na hindi sila ikakasal at magsasama na lang nang

walang papeles.

A source told use na atat na ring magpakasal si Regine sa BF na si Ogie na para raw sa kanya ay ang huling lalaking kanyang mamahalin. Ganu’n din naman ang feeling ni Ogie.

How sweet, di ba naman?

Si Regine ay larawan ngayon ng isang babaing napakaligaya at punumpuno ng pag-ibig. Kitang-kita ito sa kanyang itsura nang muli siyang humarap sa press para sa presscon ng Celebrity Duets ng GMA-7.

“I’m very much happy. Wala na akong mahihiling pa kay God,” masayang paha-yag nito.

Napag-uusapan na ba nila ni Ogie ang tungkol sa pagpapakasal?

“Yeah, we’ve been talking about it, pero wala pang concrete plans. Marami pang dapat ayusin at asikasuhin. Ang importante naman ngayon, eh, pareho kaming masaya,” kuwento pa niya.
Leo M. Bukas
People's Taliba

No comments: