Aug 9, 2007

Mother Lily to Lovi: ‘I’m sure you won’t be a monster!’

MAY bago na namang Regal Baby si Mother Lily Monteverde at ito’y ang singer na si Lovi Poe, na pormal nang pumirma ng exclusive contract sa nasabing production outfit kahapon ng tanghali.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Magkasamang winelcome si Lovi ng Regal matriarch at anak na si Roselle Teo, na kadarating lamang mula sa dalawang buwang business-pleasure trip sa San Francisco, California.

Twelve pictures ang nakatakdang gawin ng anak ng yumaong Fernando Poe Jr. sa Regal, una

na rito ang Shake, Rattle & Roll 9, na earmarked para sa Metro Manila filmfest (MMFF) sa Disyembre.

Siyempre, excited si Lovi sa malaking break na ito sa career, although pinauna niyang hindi niya makakayang pantayan o palitan ang accomplishments ng nasirang ama.

Bata pa raw siya’y pangarap na ni Lovi na maging Regal Baby at paborito niya si Maricel Soriano at ang pelikulang Underage.

Sa mga recent release ng Regal, type ni Lovi ang Blue Moon nina Jennylyn Mercado, Mark Herras at Pauleen Luna.

Ayon naman sa manager ng singer na si Leo Dominguez, suggestion ni Mother na ibalik ang apelyidong “Poe” sa screen name ng alaga.

Contrary to rumors, wala naman daw conflict sa pagitan ni Lovi at ni Susan Roces, biyuda ni Da King, at civil sila sa isa’t isa.

“I’m happy with the way things are going,” sambit pa ng dalaga.

Sa parte naman ni Madera, parang may pinatatamaan ito nang sabihing, “I’m sure that this is the beginning of your life, of your career. I’m sure you won’t be a monster.”

May pinariringgan ka yata, Mother, paninita ng ilang writers sa lady produ. Nakangiting sagot nito, “Nagpaparinig ba ako? Naku, hindi, ah. What else is new?”

* * *

SA nasabi ring okasyon, nilinaw ni Roselle na ngayong Biyernes sila mag-uusap ng kampo ng controversial actress na si Angel Locsin tungkol sa Regal contract nito.

Although nangako raw si Angel na gagawin ang When I Met You opposite Dennis Trillo pagbalik galing London, nais munang linawin ni Roselle ang ilang “misunderstanding” sa Regal contract ng talent ni Becky Aguila.

“May misunderstanding yata between what she’s been saying on air and what’s in the contract. Ang alam ko, may verbal agreement kami, in the presence of Becky and GMA Artist Center representatives, na excluded sa number of movies ang co-production ng Regal with other companies nu’ng pumirma siya ng kontrata.

“Iba rin ang talent fee na tinanggap niya sa co-production ventures, hindi Regal rate, so bakit nila ika-count ’yon?” tanong ni Roselle.

Nag-umpisa lang daw ang problema nu’ng magkaroon ng conflict sina Angel with GMA-7.

“Pati kontrata niya sa amin, nadamay,” himutok pa ni Roselle.

“Ang gusto ko lang, before we move on with the new project, magkalinawan muna,” dagdag pa nito.

Ayon sa balita, ngayong Biyernes nakatakdang dumating si Angel sa ’Pinas at bukas, August 10, naman naka-schedule pumirma sa new home studio, ABS-CBN.
People's Tonight

No comments: