Aug 10, 2007

Mata ng ama ni Angel, pina-eksamin ni Gabby Lopez

Dumating na nga si Angel Locsin sa bansa kahapon ng umaga, 4:30, sakay ng Philippine Airlines. Sinalubong siya ng manager na si Becky Aguila, amang si Angel Colmenares, kapatid na si Ella, Roxy Liquigan (ng ABS-CBN at Star Cinema) at ang lady executive ng Star Cinema na si Malou Santos.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Naroroon din ang mga TV crew from both stations �" GMA-7 and ABS-CBN-2 �" para i-cover ang pagdating ni Angel.

Maayos namang hinarap ng kontrobersyal na young actress ang crew ng Startalk and in fact, nagkayakapan pa sila ng reporter na si Jopay MaƱago.

Halatang excited si Angel sa pagdating sa bansa. Mahigit isang buwan din siyang

nawala at masayang-masaya nang makita ang ama.

Sa panayam ng TV crew, sinabi ni Angel na masaya siya sa kanyang pagbabalik at na-miss niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Hindi muna itinanong sa young actress ang tungkol sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan, pero aniya, nakararating lahat ’yon sa London at handa siyang harapin ito when she’s ready.

From the airport, tumuloy ang grupo sa Manila Peninsula para mag-breakfast at magkuwentuhan sandali.

The touching part at talagang pinasasalamatan nang husto ni Angel ay ang gesture ni Gabby Lopez (chairman and CEO ng ABS-CBN) na patingnan ang mata ng ama ng aktres.

So, from Manila Pen, dumiretso sila sa Asian Eye Institute sa Rockwell without the TV crew na, dahil ayaw talaga itong ipa-cover ng ABS-CBN.

“Ayaw talaga nila na mabalita ito but Angel and I, pati na si Daddy, would like to thank them for the very kind deed,” Tita Becky said.

Sa hospital na sinalubong sina Angel nina Cory Vidanes (one of the execs of ABS-CBN) and Gabby Lopez.

“Napakaganda ng naging welcome nila kay Angel. Nagyakapan sila and tuwang-tuwa si Angel na nakilala na in person si Mr. Lopez,” kuwento pa ni Tita Becky.

Si Dr. Tolentino, mismong eye specialist ng ABS big boss, ang tumingin sa mata ng ama ni Angel.

Kasabay nito, pina-check-up na rin ang mga mata ni Angel na ni-laser a few years ago.

Ngayong Biyernes, nakatakdang tumuntong si Angel sa bakuran ng GMA-7 para makipagkita at makapagpaalam sa mga big boss ng dating home studio.

As we write, kasalukuyan pa lang humihingi si Atty. Joji Alonso ng meeting and hopefully, mapagbigyan naman.

Gusto raw kasi ni Angel na bago siya pumirma ng kontrata sa Kapamilya channel ay makapagpaalam siya nang maayos sa GMA-7.

Bukas, Saturday, ay magkakaroon na ng contract signing si Angel sa ABS-CBN and she’s looking forward to finally meeting and seeing Charo Santos-Concio.

Sa mga susunod na araw, abangan ang appearance ni Angel sa mga programa ng Kapamilya channel, partikular na ang one-on-one exclusive interview sa The Buzz.
Vinia Vivar
People's Tonight

No comments: