Marian Rivera still visits lola in Cavite despite a hectic shedule
NAGLALAGARE si Marian Rivera sa taping ng Marimar at shooting ng Desperadas.
Lalong magiging hectic ang schedule niya ’pag nagsimula na ang shooting ng Bahay Kubo. Dahil dito, hindi na matatanggap ng actress ang Dagao, na “very soon” gagawin ni Direk Chito Roño dahil hanggang October, “toxic” ang schedule ng actress.
Ayaw nitong pakawalan ang Bahay Kubo dahil first time niya to work with Maricel
Soriano at gusto rin ang Desperadas dahil isa siya sa mga bida.
Lalong hindi niya puwedeng balewalain ang Marimar dahil title-roler na siya’y, biggest break pa niya ito sa TV.
Tinanong siya ni Popoy Caritativo kung kakayanin ang schedule na walang tulugan? Kinakaya nito at ang request lang ay ilibre ang Sundays para madalaw ang lola niya sa Cavite.
So far, nabibisita pa ni Marian ang lola niya at nakukuwentuhan ng mga nangyayari sa kanya.
Sa August 13 na ang premiere ng Marimar at mahuhusgahan na kung tama ang desisyon ng GMA-7 na sa kanya ibigay ang Pinoy remake ng Mexican telenovela.
Nitz Miralles
People's Tonight
No comments:
Post a Comment