Aug 9, 2007

Marian, marunong tumanaw ng utang na loob!

Hindi raw tutulad kay Angel...
Isang mas sexy, mas senswal at mas palabang Marian Rivera ang humarap sa press sa grand launch ng bagong primetime series ng GMA, ang Pinoy version ng phenomenal Mexican telenovela na Marimar.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Kung noon ay medyo kimi at may pagkamahiyain pa si Marian, ngayon ay may confidence na siya kung sumagot at hindi na siya pa-tweetums.

"Pinasok ko po ito na handa ako sa lahat. Auditions pa lang, hinanda ko na ang sarili ko. So, hanggang matapos

itong Marimar, handa po ako," bulalas ni Marian nang matsika namin siya sa press launch ng Marimar kamakalawa nang gabi sa Studio 3 ng GMA.

Matindi ang pressure sa dalaga dahil sa kanya nakasalalay ang ikatatagumpay ng ambisyosong project na ito ng GMA.

"Mabigat po ‘yung pressure pero tine-take ko na lang po siya as a challenge," sey ng tisay na dalaga.

Alam niyang malaki ang expectation sa kanya ng mga tao sa Marimar lalo pa’t alam ng lahat na si Angel Locsin ang original choice para rito.

"Siguro ang masasabi ko lang, nakuha ko po itong Marimar na naghirap po ako, nag-audition ako, nag-research ako, nagpatahi ako ng costume at hinanda ko ‘yung sarili ko sa audition na ibibigay ko lahat," aniya.

Ano sa tingin niya ang naging advantage niya sa mga iba pang nag-audition para sa nasabing role?

"Siguro po, wala ako sa posisyon para magsabi na mas higit ako, na mas maganda ako. Siguro po, ‘yung GMA management na lang po ang makakapagsabi no’n at ‘yung mga makakapanood.

"Actually, bata pa lang po ako, mahilig na akong sumayaw at madalas po akong lumaban noon sa mga competition ng sayaw.

"Pero nu’ng audition po, nagpaturo ako sa Hotlegs ng sayaw, kasi medyo samba ‘yung dating nu’ng dance number ko," tsika ni Marian.

Dito na magkakaalaman kung kakagatin ba siya ng publiko bilang Pinay Marimar o hindi.

"Ayoko pong pangunahan pero handa akong gawin lahat para sa show na ito at lagi ko pong sinasabi na hindi ko bibiguin ang GMA. Lagi kong ibibigay ‘yung best ko talaga para sa kanila, lalo na sa audience!"

***

Pangangatawanan na ba niya ang image niya ngayon na sexy?

"Wholesome pa rin naman po ako, medyo nalihis lang nang konti! Ha! Ha! Ha! Okey lang po, walang problema sa akin na masabihan akong sexy actress. Kung anong tingin ng mga tao sa akin, ikatutuwa ko po ‘yon.

"Kung tingin nila, sexy ako, bakit hindi? Kung tingin nila, wholesome ako, why not?

"Pumasok ako sa audition ng Marimar na alam kong kailangan kong two-piece at kasunod no’n eh, alam ko na may daring scenes at kissing scenes. So, handa na po ako sa gano’n," sabi pa ng leading lady ni Dingdong Dantes.

Challenge raw para kay Marian ang Marimar dahil ang dati niyang mga soap opera na nagawa ay panay drama at palagi siyang umiiyak.

Dito ay medyo magpapa-sexy siya na may pagkapilya at may landi ang kanyang karakter.

"Parang ganu’n po ‘yung dating, may landi nang konti na inosente," nakangiting sey ng dalaga.

Sa totoong buhay ba ay malandi siya?

"Lahat naman ng babae, may landi. Pero kontrolado naman," kaswal na sagot ni Marian.

Ramdam na ba niya ‘yung sinasabi ng marami na siya na raw ang next big star ng GMA?

"Sa bawat punta ko rito sa GMA, nararamdaman ko ‘yon. Kasi, nararamdaman ko ‘yung suporta at tiwala nila sa akin, na ang sarap ng pakiramdam!

"May takot po, kasi ang taas ng expectations nila sa akin na kaya ko ito kaya ako ang napili. So, kailangan kong patunayan na hindi po sila nagkamali."

Kapag nagawa na siyang isang malaking bituin ng GMA, hindi kaya lumipat din siya ng ibang istasyon gaya ni Angel?

"Ay, hindi! Hindi po. At saka ito pa lang Marimar, sobrang malaking pasasalamat ko na sa GMA at tatanawin ko ‘yung utang na loob na ‘yon hanggang nabubuhay ako!"

Parang ganyan din ang mga dayalog ni Angel nu’ng nagsisimula pa lang siya sa GMA, eh!

"Iba naman siya, iba ako," mabilis na sangga ni Marian.

Siya na nga ba ang papalit sa puwestong iniwan ni Angel?

"Huwag po ‘yung term na papalit. Kasi, iba naman siya, iba ako. At ayokong sabihin na, ‘Ay, ganito ako, ganito siya!’ Ang lagi ko pong sinasabi, ang GMA management na lang po ang makakapagsabi no’n at kayo (press people), kung ‘yun nga ‘yung nasa isip n’yo."

Pero handa na niyang tapatan si Angel?

"Ay, hindi naman po tapatan. Basta ako, gagawin ko ‘yung dapat kong gawin at ibibigay ko ‘yung 100% ko. ‘Yun lang!"

So, hihigitan niya pa ang ginawa ni Angel?

"Ayokong gamitin ‘yung salitang higit, eh! Basta ang sa akin, gagawin ko po talaga lahat!" sambit pa ni Marian Rivera.
Allan Diones
Abante-Tonite

1 comment:

Benson finances said...

Kayo ay may masamang credit?
Kailangan mo ng pera upang bayaran ang kuwenta?
Kailangan mong simulan ang isang bagong negosyo?
Ave at hindi natapos na proyekto sa mga kamay, dahil sa kakulangan ng pera?
Kakailanganin mo ng pera sa ilan sa mga kasanayan? Tatanggap ka at mag-invest? At hindi? Alam ko kung ano ang gagawin.

I Mr. Benson bill, isang pribadong pinagkakautangan. Nagbibigay ng mga pautang sa isang interes rate ng 2% sa bawat taon para sa isang halaga ng € 500.00 sa € 20,000,000.00 bilang nag-aalok ng utang. Proyekto Ascension garantiya 100% Pananalapi at mga bukas na port pautang na magagamit. Hindi sigurado ng pagbibigay ng pinansiyal na serbisyo sa aming mga kliyente sa buong mundo. Gamit ang aming mga pakete lending nababaluktot pautang maasikaso at mga pondo ng utang ay maaari agad. Trabaho namin sa malinaw na mga termino? At madaling gawin? Naiintindihan at nag-aalok ng mga pautang sa lahat ng mga customer at, negosyo, mga interesado sa mga kumpanya at ang lahat ng uri ng mga organisasyon? Ii-negosyo, mga indibidwal at mga real estate mamumuhunan. Mangyaring magpadala sa amin ng isang email, at? Naghihintay forward sa iyong prompt at direktang tugon.
Sumulat sa amin sa: bensonfinances@outllook.com o bensonfinances04@gmail.com