Aug 6, 2007

Maja Salvador wants to be like Vilma Santos

Inamin ni Maja Salvador sa presscon ng My Kuya’s Wedding na gusto niyang sundan ang yapak ni Vilma Santos. Bukod sa ma­ga­ling itong artista ay marami pa ring natutulu­ngang mga tao ang star for all seasons dahil sa kanyang kabutihan ayon pa sa young actress.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa mga aktor naman, tawag niya kay John Lloyd Cruz ay tatay.

“Feeling ko ay safe ako sa kanya. Mabait siya sa akin at

binibigyan ako ng pointers sa pag­ganap. Nahihingan ko rin siya ng payo,” aniya.

Sa totoong buhay sakaling may kuya siya, gusto niya si Ryan Agoncillo dahil mapag­mahal ito at maalaga sa nakababatang kapatid ayon pa kay Maja. Nga­yong nalalapit na ang showing ng pelikula ay excited na ang magan­dang aktres dahil biggest break ang dumating sa kanyang buhay.
Emy Abuan-Bautista
Pilipino Star Ngayon

No comments: