Aug 9, 2007

Maja at Jason: Swak na swak

PROUD na proud si Maja Salvador sa My Kuya’s Wedding leading man na si Jason Abalos dahil sa kaliwa’t kanang papuring natatanggap para sa indie movie na Endo, na ipinalabas sa CCP kamakailan lamang.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
“Alam kong mahirap ma-satisfy ang critics na nagbigay sa kanya ng magagandang review at nagsasabing napakahusay niya sa pelikulang dinirek ng common friend naming si Jade “Francis” Castro,” ani Maja.

Ang tinutukoy niya ay ang sumulat ng story at script 1st Day High at ang critics,

writers at directors na sina Joel Lamangan, Laurice Guillen, Joyce Bernal, Rory Quintos, Ronald Carballo, Noel Ferrer at Allan Diones, to name a few.

“It’s my turn to shower Jason with praises dahil ako na lang lagi ang pinupuri niya,” natatawang wika ng dalaga.

Hinahangaan din ni Maja ang desisyon ni Jason na ’wag magpadala sa pressure na nauuso ngayon sa showbiz. Na kailangan nilang magligawan para pag-usapan ang launching movie ng young actress sa Regal.

Sabi nga ni Jason, “Paano mo liligawan si Maja, eh, ang taas-taas ng aakyatin mo bago mo siya maabot? Tingalain mo na lang ang mga billboard na nagkalat ngayon sa Metro Manila at mahihilo ka sa rami.

“Feel na feel ko ang pagiging best friends namin, so we can be very comfortable with each other. Isa pa, lagi siyang pagod, nakaaawa. Sa van na lang natutulog sa kalalagare ng Engkantao at Pangarap na Bituin. Paano ka manliligaw? Ako pa naman, promdi. Gusto ko ligaw- bahay. I can wait. I have her naman, eh. The prettiest next big thing in showbiz for a best friend. I really can’t ask for more.” No offense meant to Maja’s other leading men, pero kakaiba si Jason sa kanila. He is tall, dark and handsome. Pinoy na Pinoy. His height allows Maja to wear the latest trends in fashion, kahit five-inch heels pa.

Talk of chemistry, and they have it. Swak na swak talaga.

My Kuya’s Wedding boasts of a bonggang cast. Nariyan sina Ryan Agoncillo, Janus del Prado, Dominic Ochoa, Ethel Booba, IC Mendoza at Ryan Yllana mula sa Regal Entertainment.

Come to think of it, si Jason yata ang tanging leading man ni Maja sa pelikula.

Siya rin ang kasa-kasama ng dalaga sa mahigit 20 mall shows in and outside Metro Manila para sa isang milk brand.

At si Jason din ang my hawak ng record na mang-indiyan kay Maja sa sariling presscon ng My Kuya’s Wedding.

’Di ba, no show siya nu’ng presscon ng pelikula?

“Hindi po,” sagot ng binata mula sa Nueva Ecija. “Trabaho po ang dahilan kung bakit nasa Zamboanga ako nu’ng araw na ’yon.

“Worried nga po ako’t kahit naroon, nasa presscon naman ang isip at puso ko,” paliwanag ng guwapong si Jason.
Chit Ramos
People's Tonight

No comments: