Aug 9, 2007

Katrina Halili is not bothered with 'topless' photo on the Net

FAVORITE ni Katrina Halili ang Marimar and three months ago, pinanood niya ang movie version nito.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hate na hate niya si Angelika dahil bad daw at nag-promise itong ’di niya tatanggapin ang role ’pag in-offer sa kanya kung gagawin ng GMA-7.

Nakarma siya dahil sa kanya ibinigay ang role, pero dahil sa pangako, matagal bago niya tinanggap ang role.

Ayaw na sanang magkontrabida ni Katrina dahil nata-typecast siya at akala ng

tao’y bad girl siya in real life.

Saka, gusto naman niyang mag-drama, mag-comedy at magbida, pero hindi siya nakatanggi’t bagay sa kanya ang role.

Naiinggit sa kanya ang mga bading dahil may kissing scenes siya kina Richard Gomez at Dingdong Dantes.

Ayaw niyang sagutin kung sino ang mas masarap humalik sa dalawa’t, pumipikit siya dahil sa nerbyos. Bahala na raw sina Direk Joyce at Mac sa kanya.

Hindi rin ito bothered sa diumano’y topless picture niya na kumakalat sa Internet. Kuha raw ang picture nu’ng mag-audition siya sa Viva Hot Babes.

“Matagal na ’yon at nakita ko na’t pinakita ng fans sa akin. Hindi ko pinansin, hindi ako ’yon. Hindi ako apektado, mabuti’t wala pang video. Hindi talaga ako ’yon, hindi ako papi-pictorial nang ganu’n,” pahayag nito.
Nitz Miralles
People's Tonight

No comments: