Aug 9, 2007

Judy Ann pinatawad na ang mga `amo' sa ABS-CBN

GUSTO ulit ni Judy Ann Santos na ipa-redecorate ang kanyang resto na Kaffe Carabana.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Pero, this time ang co-stars naman niya sa Ouija ang nais niyang maging involved sa iniisip niyang ito.

Hopefully ay magagawa raw nila ito bago umalis si Iza Calzado patungong Hollywood para mag-shoot ng bagong version ng Sigaw or Echo.

Siyempre magiging involved sa competition na ito sina Jolina Magdangal, Rhian

Ramos, si Iza, at si Desiree del Valle. Bibigyan sila ng budget at magkakaroon din sila ng kapartner na designer para sa make-over na gagawin nila sa partikular na resto na matotoka sa kanila.

Hindi raw kasali si Juday kasi siya ang magpaplano ng menu at magluluto. Ire-retain daw niya ang bestsellers ng Kaffe Carabana, tapos magdaragdag siya ng bagong menu. Ang wish nga ni Juday ay magawa nila ito bago umalis si Iza patungong Amerika.

Happy si Juday na kumita ang Ouija. At least, hindi raw siya napahiya sa GMA Films sa unang project na ginawa niya rito. Naitawid naman daw ito nang maayos.

Very proud siya sa nangyari at nag-paid off ang kanilang efforts

Nakausap na rin niya ang kanyang bosses sa ABS-CBN at naintindihan naman daw niya – as in pinatawad na niya — ang paliwanag ng mga ito kung bakit hindi pumayag ang network na mag-promote sina Juday at Jolina ng Ouija. Maayos naman daw ang kani-lang naging pag-uusap. Sabi pa ni Juday, close na raw sila nina Gabby Lopez at Charo Santos. Puwede raw siyang magbigay ng kanyang comments at suggestions sa kanilang dalawa.
***

HINDI pa naipapalabas ang di-gital film na Xerox Copy na dinirek ni Deo J. Fajardo na pinagbibidahan ni Jao Mapa. Nauna pang ipinalabas ang Casa na si Dikong Deo din ang nagdirek. How true na may problema sa title ng “Xerox Copy. May isang Japanese film outfit daw na nagki-claim na sila ang unang gumamit ng title na ito at sila ang may karapatan di-to. Kaya kung hindi maaa-yos ang problemang ito, kailangan palitan ang title ng movie ni Jao.

Ayon sa tsika, baka raw maging Replika na ang bagong title ng digital film.

How true na hindi pa rin daw bayad sa kanyang services ang musical director na nagtrabaho sa Xerox Copy (or soon to be Replika). Ito raw ang dahilan kung bakit hindi pa rin naipapalabas ang pelikula.
Ricky Calderon
People's Taliba

No comments: