Aug 9, 2007

Joyce Jimenez requested kissing scene with 'Lupin'

Kahit bumabagyo kahapon, dumalaw kami sa taping ng Kokey sa San Francisco del Monte, QC, at bumilib kami sa cast, lalo na sa mga batang sina Julia Barretto, Rhap Salazar and Joshua Cadelena na napaka-professional na dumating sa set at tila ’di alintana ang masamang panahon.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Same with Ruffa Gutierrez and the rest of the cast like Megan Young, Eugene Domingo and Redford White, dahil naroroon din silang lahat with, of course, the captain of the ship, Direk Wenn Deramas.

Si Ruffa, panay ang kuwento ng mga happening sa birthday party ng anak na si

Lorin last Tuesday sa Fridays, The Fort.

Siyempre, napag-usapan ang ama ni Lorin na si Yilmaz Bektas na hindi nakarating sa 4th birthday ng anak.

Hindi man direktang aminin ni Ruffa, halatang parang hurt siya sa hindi man lang pagsipot ng estranged husband although aniya, binati naman nito ang anak.

“Naku ’no, ayoko na lang mag-emote. Huwag na nating pag-usapan ’yan,” sabi ni Ruffa.

Nami-miss na ba niya si Yilmaz?

“Well, there are days na nami-miss ko siya, like siguro days like these na umuulan, but there are days naman na hindi ko siya nami-miss, especially kung marami akong ginagawa.

“At the end of the day, gusto ko lang naman na magkaroon siya ng relationship with the kids. ’Yun lang naman ang gusto ko.

“I mean, it would be too easy to forget him if he was just any other guy, but he’s the father of my kids, so it’s difficult to just forget him that fast, kasi siyempre, when I see the ring, when I see Venice, I also say good things about him to the kids.

“Hindi naman ako ’yung tipong masamang mommy na sinisiraan si Yilmaz with the kids, kasi siyempre, daddy pa rin nila ’yon.”

Sa ngayon, may plano raw si Yilmaz na pumunta ng ’Pinas, pero hindi pa nga natutuluy-tuloy.

Hindi rin daw siya masyadong aware kung ano ang pinaggagawa day to day ng ex-husband dahil magkalayo nga sila.

May nagbiro na baka may inuuwi nang ibang girl si Yilmaz sa house nila sa Turkey at say ni Ruffa, ayaw na lang niyang magsalita tungkol diyan.

Basta hindi na raw niya alam kung sino na ang nakatira sa napakalaking bahay nila sa Turkey at kung ano na ang nangyayari roon.

Samantala, tuwang-tuwa si Ruffa sa ratings ng Kokey on its pilot telecast last Monday. Nakakuha raw sila ng 27 percent at isa lang ang lamang ng kalabang programa sa Siyete.

Ginagampanan ni Ruffa ang role na asawa ni Redford sa Kokey and since comedy-fantasy ito, hindi pa niya nailalabas nang husto ang acting prowess.

* * *

Sa birthday party pa rin ni Lorin sa The Fort, usap-usapan pala ang mga kadramahang nangyari sa mga bisitang celebrity ng bagets.

Ewan kung totoo, pero may nakapagbulong sa amin na nagkaiyakan daw sina Erik Santos at Rufa Mae Quinto sa nasabing party.

Guessing game tuloy kung nagkabalikan na ba ang dalawa o nu’n lang party ni Lorin sila nagkausap kaya nagkaiyakan ang mga ito.

Ito namang si Joyce Jimenez, panay daw ang pagpi-flirt kay Richard Gutierrez. Nagri-request pa nga raw ito ng kissing scene sa Lupin, kung saan magkasama ang dalawa.

Panay daw ang dikit ni Joyce with matching yakap-yakap pa.

We just don’t know kung pinatulan ni Richard ang pagpi-flirt ni Joyce dahil nang tanungin namin si Ruffa, hindi raw niya alam.

Bongga ang party ni Lorin, ha, maraming eksena!
Vinia Vivar
People's Tonight

No comments: