Aug 9, 2007

Jennylyn, ayaw umalis kay Becky

Balitang ngayong araw na ito ipinapatawag ng GMA 7 management si Jennylyn Mercado at ang ina niyang si Aling Lydia para sa isang meeting.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sina Ma’am Wilma Galvante (senior vice-president for entertainment) at Ida Henares (head ng GMA Artist Center) ang gustong makipag-meeting sa mag-ina.

Hindi kasama sa meeting si Becky Aguila, co-manager ng GMA Artist Center kay Jennylyn.

Hindi sumasang-ayon si Becky na basta haharap sa GMA 7 bosses sina Jennylyn at

Aling Lydia na ni wala siyang representative.

As of yesterday, nakikiusap si Becky sa mga taga-Siyete na payagang makadalo sa meeting na ‘yon ang kanyang lawyer na si Atty. Joji Alonzo.

Pero ayon na rin sa isang malapit sa talent manager, nagpasabi na ang mga taga-Siyete na hindi iyon kailangan dahil tungkol sa mga proyekto ni Jennylyn ang pag-uusapan doon.

Idinagdag din ng malapit kay Becky na kinausap na rin ng talent manager si Jennylyn at tinanong ito kung gusto na ba ng young actress na magpa-release na lang sa talent management contract nito sa una.

Nagsabi raw si Jennylyn na ayaw niyang mawala si Becky bilang manager niya.

Naaawa na raw si Becky kay Jennylyn kaya willing na raw i-give-up ni Becky ang karapatan niya bilang co-manager ng young actress, pero ang alaga naman daw mismo niya ang may ayaw.

Isa pang ipit sa isyung Becky-GMA 7 ay ang child actress na si Eunice ‘Charming’ Lagunsad. Bitin pa raw kasi kung tuluyan na bang papatayin ang character ng bata sa Boys Nxt Door.

Naaawa raw si Becky sa bata dahil kailangan nitong magbayad ng matrikula sa eskwelahan.

Nakikiusap daw ang bata na kahit once a week lang ay magkaroon ito ng TV guesting.
Jun Lalin
Abante-Tonite

No comments: