Aug 11, 2007

IT's Ruffa's car which Yilmas rode from the airport

PAANO ’yan, eh, ’di may kaagaw na sa espasyo ng mga dyaryo at airtime sa TV at radio si Angel Locsin?

Matatabunan na nga ang Angel-GMA-7 brouhaha ng biglaang pagdating sa bansa ng estranged hubby ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas bago mag-alas-singko kahapon ng hapon via Emirates Airways EK-332.

Ayon sa isang source, mismong kotse ni Ruffa ang sumundo sa Turkish businessman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kasama ang isang staff ng Royal Era Entertainment.

Naka-black suit at pants itong dumating kasama ang isang lalaki. Sa interview ng

airport reporters, tumanggi itong mag-comment tungkol kina Ruffa at Tita Annabelle at hindi alam kung hanggang kailan tatagal dito, pero sa isang hotel sa Makati tutuloy.

Kung hindi nagkakamali ang source ng Tonight, aware ang pamilya Gutierrez sa pagdating ni Yilmaz, dahil tumawag ito to inform them of his arrival days before his flight.

Ang primary purpose raw ng “pagbisita” nito sa bansa ay para makita ang dalawang anak na babaing sina Venice at Lorin, na matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita mula nang maghiwalay sila ng aktres.

Kamakailan lamang, nagdiwang ng kaarawan si Lorin sa Fridays, The Fort.

Doon nga na-interview ng press si Ruffa, na nagsabing nami-miss niya ang dating asawa’t hurt siya sa hindi nito pagdalo sa birthday ng panganay na anak.

Kasabay nito, may nagsabi ring susubukan nitong kumbinsihin si Ruffa na makipagbalikan sa kanya. Ewan nga lang kung ano ang reaksyon nina Tita Annabelle at Eddie Gutierrez dito.

Mahirap talagang makialam sa away-mag-asawa, ’di ba? Sooner or later, kamukat-mukat mo, sila na uli. If that’s the case, sana nga’y maayos na nina Ruffa at Yilmaz ang kanilang mga problema, for the sake na rin of their beautiful kids.

Kung hindi naman, it’s good to see that they are friends again, ’di ba, Jun L.?

We’re sure na mapupuno na naman ng Ruffa-Yilmaz news ang print at broadcast media mula ngayon, kaya mag-antabay lang, okey?
with report from Itchie Cabayan
People's Tonight

No comments: