Aug 10, 2007

How Marian Rivera won her role as 'Marimar' in the audition

Walang alinlangan na ang baguhang ak­tres na si Marian Ri­vera ang next important star ng GMA-7 dahil sa kanya ipi­nagkatiwala ang Mari­mar.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Nagkaroon ng invitational audition ang GMA-7 at dalawa sa mga nag-audition ay sina Marian Rivera at Valerie Concep­cion.

Bago ang audition day, pinaghandaan ito ng husto ni Marian at ng kanyang manager na si Popoy Ca­ritativo.

Nag-crash course si Marian ng Latin dance, nagpa-hair extension kay Bambbi Fuentes at
nagpa­gawa ng sexy Mexican costume sa designer na si JC Buendia at higit sa lahat, matin­ding dasal na sana’y makalusot siya.

Nag-research din sa internet si Marian tung­kol kay Thalia.

Pinagsabihan din si Marian na magdala ng bikini sa audition. Kahit may reservation pa si Marian na magsuot ng bikini ay nilakasan niya ang kanyang loob na gawin ito dahil kaila­ngan.

Kasama sa mga judges ang dalawang director ng Marimar na si Bb. Joyce Bernal at Mac Alejandre ka­sama ang ilang executives ng GMA na pi­nangunahan ni Wilma Galvante.

Sa unang judging pa lamang ay stand-out na umano si Ma­rian. Ang VTR audition ay ipinapanood sa mga top brass ng GMA na sina Atty. Felipe Go­zon, Jimmy Duavit at Annette Gozon-Abro­gar nang bumalik ang mga ito galing Amerika the following week at sila man ay nagkaisa na si Marian ang perfect choice para sa Marimar at kasunod na rito ang pre-production, casting and eventually, simula ng taping para sa naturang proj­ect.

Nag-pay off ang efforts ni Ma­rian na ta­lagang ki­na­rir at pi­nag­handaan ng husto ang audition sa tu­long ng kan­yang manager. Pero pinag­sabihan ni Popoy ang kanyang ala­ga na hu­wag mas­yadong mag-expect dahil tiyak na ma­sa­sak­tan ito sa­kaling hindi siya ang mapili para sa role. Kaya ga­noon na la­mang ang tuwa at pa­sasalamat ni Marian at ng kanyang manager nang ipa­alam sa ka­nila ng GMA na siya ang napili.

Nakasaad sa kon­trata ng GMA at Tele­visa Productions (may hawak ng rights ng Marimar) na kaila­ngan itong gawin at ipalabas sa taong ito. Kaya nang i-turn down ni Angel Locsin ang project, agad nagpa-audition ang GMA sa kanyang makakapalit and it turned out na better choice si Marian.

Sa darating na Lu­nes, Agosto 13, huhus­gahan na si Marian ng mga manonood. Ma-duplicate kaya niya ang tagumpay ng unang Marimar?
Aster Amoyo
Pilipino Star Ngayon

No comments: