Aug 9, 2007

Erik Santos... Solo

Gaganapin ang major solo concert ni Erik Santos na pinamagatang Erik Santos… Solo sa Oktubre 19, Biyernes, 8:30 PM sa Araneta Colisem.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Kumpirmadong panauhin dito sina Ai Ai de las Alas, Sam Milby, The Company, Yeng Constantino at Danita Paner.

Hindi kasama sa guests niya si Rufa Mae Quinto?

"For sure, manonood siya. Kailangang i-block off niya ang date na

‘yon!" napangiting sambit ni Erik kahapon sa Lamesa Grill sa Trinoma.

Handa na si Erik na magsolo sa Araneta.

"Kailangang mag-prepare talaga. Kakanta ako rito ng new songs and old songs. Meron akong Air Supply medley na gagawing tunog-bata, kakaiba."

Mahirap bang mag-concert kung walang inspirasyon?

"Mas magandang mag-concert kung meron kang inspirasyon, pero hindi naman nawawala ang pamilya mo.

"Iyong mga kanta ko ngayon, mas may meaning, mas may pinaghuhugutan. Mas emotional, at mas may feeling," lahad pa ni Erik.
Abante-Tonite

No comments: