Aug 9, 2007

Ehra Madrigal talks about her relationship with manager Annabelle Rama

Isa si Ehra Madrigal sa tatlong female stars na ilulunsad ng GMA 7 into stardom.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Pumirma si Ehra ng exclusive two-year contract kahapon sa Kapuso network.

Excited si Ehra sa magagandang plano sa kanya ng big bosses ng Siyete.

Nagpapasalamat din si Ehra sa pagha-handle sa kanya ng manager niyang si Annabelle Rama.

"Si Tita Annabelle kasi, hindi lang siya basta manager ko. Parang nanay ko na rin ‘yan. Busog

Busog na busog ako sa mga pangaral at sermon niya.

"Pero okey lang ‘yon dahil para rin naman ‘yon sa ikabubuti ko," sabi ni Ehra.

Nakabili na ng sasakyan si Ehra at sa pakikipag-usap namin sa dalaga ay hindi niya naiwasang hindi magbalik-tanaw noong nag-aaral pa siya at nagko-commute.

"Noon, sanay na sanay akong mag-MRT at LRT. Nakakatakot lang dahil may mga pasaherong lalaki na nakatingin sa dibdib ko.

"Kapag ganoon, kinakabahan ako. Noon nga, kapag sumasakay ako ng MRT at LRT, palaging may folder na nakatakip sa dibdib ko, para hindi masyadong mapansin ang boobs ko," sabi ni Ehra.

Proud si Tita Annabelle sa pagsasabing 100% original ang boobs ng kanyang alaga.
Jun Lalin
Abante-Tonite

1 comment:

Anonymous said...

She very beautiful and a very good actress.. i like her...!