Aug 8, 2007

Chx, gulat sa asenso ni Wendy

Natatandaan n’yo pa ba si Chx Alcala?
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Siya ang kontrobersyal na housemate noon ng Pinoy Big Brother Season 1 dahil na rin sa nude photos niyang kumalat sa Internet na walang takot niyang inamin.

Kung sa PBB Season 2 ay si Wendy Valdez ang pinakamainit na pesonahe, sa PBB1 ay si Chx, at nakapanghihinayang nga lamang na hindi ito na-sustain.

Nakausap namin si Chx sa presscon ng digital film na Signos, kung saan ay isa

siya sa mga bida at isa sa naitanong sa kanya si Wendy since tila magkapareho nga sila ng imahe.

Hindi raw sila personal na magkakilala, pero napapanood naman daw niya ang said PBB2 third placer. Alam din niyang may sarili na itong teleserye sa Dos, ang Margarita, which is currently airing and Chx has nothing to say kundi masuwerte si Wendy.

“Nagulat nga ako dahil ang bilis niyang nagkaroon ng sariling teleserye. Pero bagay naman sa kanya ang Margarita, kaya lang, mag-practice pa siya ng sayaw. Maganda kasi ’yung Margarita, eh, parang Burlesque Queen ’yon, so, dapat, basta practice pa siya ng sayaw,” komento ni Chx.

Kung sa kanya ba ibinigay ’yun tatanggapin niya?

“Of course,” mabilis niyang sagot.

Matagal-tagal ding nawala si Chx, pero say niya, may mga TV guesting pa rin naman siya sa Dos, although manaka-naka lang.

Mag-e-expire na ang kontrata niya sa Star Magic ngayong Agosto at wala pa raw siyang natatanggap na offer for renewal.

First movie ever ni Chx ang Signos produced by Daven Productions at ipalalabas na sa August 22, kaya excited siya, lalo pa nga’t ang ganda ng kanyang role bilang babaing putik.

Kasama niya sa pelikula sina Luis Alandy, Nancy Castiglione, DM Sevilla, Irma Adlawan at Ricky Davao mula sa direksyon ni Aloy Adlawan (na siya ring sumulat ng scipt ng box-office hit na Ouija).
People's Tonight

No comments: