Aug 8, 2007

'Celebrity Duets' sosy contestants, kinarir ang singing

Kina-career ng eight celebrity contestants ang sinalihang Celebrity Duets na magsisimula sa Saturday, August 11 sa GMA-7. Kanya-kan­yang rehearsal with matching vocalization sina Bb. Pilipinas Uni­verse 2007 Ana The­resa Licaros, Tessa Prieto, Tim Yap, Doc Manny Calayan, talent manager Jessica Ro­dri­guez, Doc Hayden Kho of Belo Medical and the boyfriend of Dra. Vicki Belo, Wyngard Tracy and fashion de­signer Frederick Pe­ralta.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sina Jessica at Tessa ay bumili pa ng magic sing at si doc Manny ay bibili pa lang, pero

gabi-gabi’y nagpapraktis ha­bang nakikinig ang asa­wang si Dra. Pie Cala­yan. Tingin namin, ready na ang walo at lahat sila’y naniniwalang sila ang mananalo ng one million cash prize na ang kalahati’y mapu­punta sa mapipili nilang charitable institution.

Sina Louie Ocampo, Buboy Garovillo at Mitch Valdez ang judges sa 10-week con­test, pero ang viewers ang pipili ng winner. Paramihan ito ng kaibi­gan at malalaman natin kung sino sa walo ang may maraming kaibi­gang handang gumas­tos para sila’y manalo.

To vote for your favorite Celebrity Duets contestant, type name of contestant and send to 367 for Smart & Talk N’ Text subscribers and 2364 for Globe,Sun & Touch Mobile subs­cribers.
Nitz Miralles
Pilipino Star Ngayon

No comments: