Aug 7, 2007

Becky, ayaw pakawalan si Jennylyn

Sa mga bitin pa rin sa isyung Angel Locsin-Becky Aguila, heto pa ang ilang mahahalagang punto na sinagot ni Becky sa presscon na ipinatawag ng ABS-CBN noong Biyernes nang gabi…
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ayon sa kampo ng GMA ay P64M ang kinita ni Angel (nu’ng 2006 hanggang kalahatian ng 2007) sa pamamagitan ng shows nito at mga naibigay nilang product endorsements.

"Sabi ko nga, ayokong ilabas ‘yan, kasi that’s something that should be treated as

strictly confidential," saad ni Becky.

"But it’s not P64M, it’s much less than that amount. And it didn’t come all from them. Most of it are commercial endorsements.

"Kung ano ‘yung naibigay ko at kung ano ‘yung naibigay nila and then kung ano ‘yung nasa GMA payroll at ‘yung kinita ni Angel sa mga pelikula sa Regal at sa GMA Films.

"We have the proof here but we don’t wanna rub it in because like what I said, it’s strictly confidential. On my end, I was able to give around almost P16M for those two years and GMA, nasa P15M," pagsusuma ni Becky.

Aware din daw si Becky na may mga tumatawag sa alaga niyang ‘Dark Angel’ at siya naman ay si ‘Beckykang.’

***

Ayon kay Becky, naisip niya rin ‘yon na maaaring ‘madamay’ ang alaga niyang si Jennylyn Mercado sa hidwaan nila ng GMA dahil kay Angel.

"My first and foremost concern is really Jennylyn. Kasi si Jennylyn still has an existing contract with Artist Center. But then, GMA is known for being a Christian station.

"Parang I had that mixed feeling na siguro, it’s a career move for us (na ilipat si Angel). Sa opinyon naming lahat, this is a very professional approach on my part.

"Inisip ko, ‘Siguro naman, hindi nila gagawin ‘yon (na i-freeze si Jennylyn).’ Kasi desisyon ito, eh!

"Desisyon ito na ginawa namin for Angel na hindi nila mamasamain at hindi nila idadamay ang ibang artista ko, ang buong talent agency ko…

"Ang masakit nito, naiipit si Jennylyn which is really unfair. Kasi, case-to-case basis dapat ito, eh! Mahal ko kasi si Jennylyn. Nasasaktan ako para sa kanya," lumuluhang bulalas ni Becky.

Dagdag niya pa, "Nakikiusap ako sa may-ari ng GMA, kina Ms. Annette (Gozon-Abrogar) at Atty. (Felipe) Gozon, na bigyan ng kunsiderasyon si Jennylyn.

"Kasi, kung ipi-freeze n’yo rin ang bata, mabuti pa, since Christian station naman sila, pakawalan na lang ‘yung bata.

"Kawawa naman kasi si Jennylyn. She’s a breadwinner and we all know that. Galing siya sa pagiging battered child. Let’s not do this to Jennylyn!

"Kawawa naman ang alaga ko. Nasasaktan talaga ako. Sana, hindi totoo!" umiiyak pa ring sambit ng kontrobersyal na manager.

"Kapuso nga sila, di ba? Christian station nga sila, eh! Dapat hindi nila gawin ‘yan. It’s not really fair. Hindi dapat madamay at all ang (ibang) mga alaga ko, kasi desisyon ito just for one person.

"And even Angel feels bad. Parang she’s still hoping na sana, hindi totoo. Kasi, may nabasa naman ako recently na sabi ni Ma’am Wilma (Galvante), hindi raw maaapektuhan talaga si Jennylyn kasi, StarStruck winner siya at hindi nila pababayaan. And I hope it’s true.

"Ang problema na lang ngayon is because she (Ma’am Wilma) said in one of her interviews na I’m banned and I burned the bridge. ‘Yun ang magiging problema…

"But this is co-managed. Kung ayaw nila akong kausapin, naiintindihan ko ‘yun, eh! Kasi galit sila sa akin. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. Pero sana, huwag lang nilang idamay ang bata.

"Bigyan n’yo ng trabaho si Jennylyn. Kailangan niya ng work. Kailangan niyang mabuhay. Kailangan niyang sustentuhan ang pamilya niya.

"Pero like I said, GMA is known for being a Christian station. So, kaya siguro ganito ngayon dahil galit pa sila. Sana humupa, di ba?

"Lahat naman, kunyari mag-boyfriend tayo, nag-split tayo, nandun ‘yung hurt feeling. But then, after a while magsa-subside din. And sana eventually, maintindihan nila ‘yon.

"This is just a professional decision and it has nothing to do with any personalan. Sana nga, huwag nang gawing personalan. Kasi nga, it would also give a bad light to the image ng GMA mainly because it’s a Christian station," paulit-ulit na pagdidiin ni Becky sa pariralang ‘Christian station.’

Aniya, sa Pebrero 2009 pa magtatapos ang kontrata ni Jennylyn sa GMA. Sabi niya ay mahal na mahal niya si Jen na parang isang anak, handa ba siyang magparaya at ibigay na lang ito sa pangangalaga ng GMA sakaling hindi na maayos ang gusot na ito?

"Ibang klase ang relationship namin ni Jen. It’s not just professional, it’s personal. Mommy ako nu’n, eh! Second mommy…

"So, it’s really not easy to give up on Jennylyn. I hope that we will still be able to settle this with GMA management. Sana maayos namin ito for Jennylyn’s sake," hiling ni Becky.
ALLAN DIONES
Abante-Tonite

No comments: