Aug 9, 2007

Ara at Polo, dedmahan na naman

Pagkatapos ng nangyari kay Ara Mina at sa kapatid ni Polo Ravales na si Ashley, inamin ng aktor na lalo silang nailang sa isa’t isa ng dating girlfriend.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
"Dati kasi, mga 50 % na ilang kami sa isa’t isa dahil kabi-break pa lang namin. Ngayon, parang naging 75% na kami na lalong nailang dahil sa nangyari sa kapatid ko," pahayag ni Polo.

Naipaliwanag daw ni Ashley sa Startalk kung ano ang nangyari sa taping ng Lupin na ikinagalit ni Ara kaya ang pagkakaalam niya, wala na at tapos na ang isyung iyun.

Pero pagkatapos nu’n, hindi na

raw sila nag-uusap ni Ara at hindi na naman sila nagbabatian sa taping ng Lupin.

Nalulungkot daw siya dahil gusto niya sanang maging magkaibigan sila ng aktres.

"Gusto ko sana na maging magkaibigan kami. Kasi, lahat naman ng mga ex-girlfriend ko, naging kaibigan ko," dagdag ng aktor.

Nang nakausap namin si Ara, parang dedma na lang siya at ayaw na raw niyang pag-usapan ang tungkol du’n dahil kacheapan na.

Mas pinagkaabalahan na lang daw niya ngayon ang trabaho. Paalis na raw siya ng Amerika kaya wala na muna siyang sasaguting isyu lalo na kay Polo.

Pinagkakaabalahan din ni Polo ngayon ang pagre-rehearse ng pagkanta dahil may mga bookings na raw ang grupo niyang Boyz.com kasama sina Frank Garcia, Joseph Bitangcol, Gabb Drilon at Alwin Uytingco.

May mga mall shows na raw sila.
Abu Tilamzik
Abante-Tonite

No comments: