Aug 8, 2007

Angel Locsin hinikayat na magdemanda sa pirata

Hinikayat ngayon ni Optical Media Board Chairman Edu Manzano si Angel Locsin na idemanda ang mga piratang nagbebenta ng sinasabi sex video niya matapos matiyak na hindi si Angel ang nasa kontrobersyal na video.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ilang linggo nang ibinebenta sa pugad ng mga pirata sa Ortigas at Maynila ang sinasabing Angel Locsin Sex Scandal sa halagang P50 hanggang P150.

Isang Asyana ang nasa sentro ng sex video na kahawig

ni Angel.

Ipinasuri na ng Optical Media Board ang video at ayon kay Edu, ang babae ay hindi si Angel.

Nauna nang iginiit ng manager ni Angel na si Becky Aguila at kanilang abugadang na si Joji Alonzo na hindi si Angel ang nasa sex video.

Bahagi lang daw ito ng mga paninira sa aktres sa gitna ng mga pagbabago sa kanyang karir.

Mas kongkreto naman ang aksyon ni Edu at gusto niyang gawin ito ni Angel sa ilalim ng batas.

“I have asked the agents to get more copies, evidence. We want Angel to file appropriate charges, fraud, pornography, acts injurious to her reputation,” ani Edu.

Nalulungkot din si Edu dahil marami pang ibang bituin ang ginagamit sa mga label ng mga sex video.

Bahagi rin daw ito ng garapal na marketing gimik ng mga pirata ngayon na naglalako na ng child porno video.

Dapat na may katumbas na parusa raw ang ganitong kabuktutan.

“Death penalty,” ayon kay Edu.
abs-cbnnews.com

No comments: