Aug 9, 2007

Angel, ka-level lang ni Wendy

Hindi lang iilan sa mga kasamahan naming manunulat na nakakaalam ng tunay na kahulugan ng ‘utang na loob’ ang medyo ilang sa presscon ni Becky Aguila.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sabi ng ibang reporters, alam ng manager ni Angel Locsin ang utang na loob but she doesn’t practice it, or if she does, maling implementation daw?

Marami sa mga dumalo sa presscon na ‘yun ay hindi interesado. Ilan lang ang nagtanong. Most of them, comment lang nang comment sa upuan nila.

Para saan daw ba ‘yung presscon na ‘yun?

Eh ano raw ba kung saanman lumipat si Angel Locsin, what’s the big fuss? Siya raw ba

ang pinakamalaking star this side of heaven?

Maging sa Hollywood daw, hindi naman pinapa-presscon pa kung saan mang movie outfit gagawa ng pelikula si Madonna, Sharon Stone, Angelina, Beyonce or whoever.

First time in local history na may pinapreskon pang ganito to explain what should not be explained anymore dahil alam na naman ng lahat ‘yun -- kaya naging boring ‘yung preskon, ‘noh?! Kaya isa-isang nagsitakas ang mga baklita!

Nu’ng may magtanong sa akin kung anong palagay ko sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN, klaro at maliwanag ang sagot ko: "The end of her career!"

Why? "What has she to offer?"

Marunong bang sumayaw si Angel Locsin? Mas gagaling pa ba siyang sumayaw kesa kina Milagring at Mariposa?

Marunong ba siyang kumanta like Wendy-wendang ng PBB?

Oo nga at pareho lang silang matigas ang katawan, itong sina Wendy at Angel, kaya hindi maaasahan sa pagsayaw, pero kumakanta si Wendy at si Angel ay hinde, ‘noh!

So, what has she to offer? Drama? Mas gagaling pa ba siya kesa kina Kristine Hermosa at Bea Alonzo?

Sa kagandahan naman, mas may igaganda pa ba si Angel kesa kina Kristine at Bea? Kay Kim Chiu lang, taob na ang ganda ni Angel Locsin!

Sa pagiging all-around naman, kanta, sayaw at drama, madadaig kaya ni Angel ang galing nina Maja Salvador at Shaina Magdayao sa pagkembut-kembot ng dalawa? Let’s ask Manay Chit Ramos about this.

So what’s in store for fly-over Angel Locsin sa bakuran ng ABS-CBN?

First, she’s got to top over the three anghelitas ng dos --Angelica Panganiban, Angelika de la Cruz and....dyan-dyaran!!!!

Angelica Jones!

Sa kaseksihan at palakihan lang ng boobs, taob na si Angel Locsin kay Angelica Panganiban, ‘noh!

Buti pa nga si Wendy ni Ambus Nabet may sarili nang teleserye, ‘noh! Nakauna na si Wendy. Magiging poor second na lang kaya si Angel Locsin?

Unless gigimikan na naman ng ABS-CBN na pagtambalin sila at magkabalikan ni Oyo Sotto na nauna nang lumipat sa ABS-CBN in case you didn’t know – kasi, hindi pina-presscon ang paglipat niya, ‘noh!

Tomorrow, meron pa… kaya abangan... exclusivo!!!
Alfie Lorenzo
Abante-Tonite

No comments: