Jul 19, 2007

Direct Paul Soriano, pinuno ng pagkain ang kwarto ni Toni!

Very evident na in-love ngayon ang maga­ling na TV host/singer/actress na si Toni Gon­zaga dahil sa tuwing uusisain siya tung­kol kay Paul So­riano, ang direk­tor na nali-link sa kanya ngayon ay kitang-kita ang kislap sa kanyang mga mata.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Inamin ni Toni na dina­law na siya ng bagu­hang di­rek­tor sa ka­nilang taha­nan sa Taytay noong nagpa­pa­hinga ito da­ hil sa aksi­den­teng na­tamo sa gina­wang com­mer­cial ad. Inamin din nito na min­san ay naloka ito nang halos punuin ng direktor ang dressing room ng mga paborito nitong pagkain nang mag-shoot sila ng music video. Kaya naman sobrang kinilig ito nang tanungin kung in-love ito ngayon dahil agad itong sumagot ng tumataginting na “Yes”.

Sa kabilang banda, nili­naw nito na hindi nanliligaw sa kanya ang apo ng nama­yapang matinee idol na si Nestor de Villa. “Laking Tate kasi siya at hindi uso sa kanya ang ligaw-ligaw. Ayaw niya dito dahil best foot forward daw ito. Ang impor­tante ay mayroon kaming special feeling sa isa’t isa pero hindi naman ito “MU” o mutual understanding.”
ALEX DATU
Pilipino Star Ngayon

No comments: