Jul 19, 2007

Aga, mas mahal si Charlene kesa sa kambal na anak!

Inamin ni Aga Muh­lach sa press launch ng pelikulang A Love Story under Star Cine­ma na mas mahal niya ang asawang si Char­lene Gon­zaels kaysa sa kambal nilang anak na sina Andres at Atasha dahil, “For me kasi, kung napapaligaya ka ng asawa mo at napapaligaya mo rin siya, then the kids will grow up happy.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
“Ako kasi when I got married, it’s really a commit­ment, talagang nag-settle down na ako kasi gusto ko na, napagod na ako sa pagiging binata.

“Kaya ‘yung sinasabing boy’s night out, hindi to­too ‘yun kasi kapag happy ka sa asawa mo, there’s no reason for you para umalis ng bahay ng gabi kasi kun­tento ka na sa buhay may-asawa mo.

“Minsan ginawa kong lu­mabas, pero anong nangyari, hindi ako happy, hindi ako masaya kasi hinahanap ko ang asawa ko, kaya I’m very lucky to have Charlene as my wife,” esplikang mabuti ng aktor.

Nabanggit din ng aktor, “Ako kasi after my work, uwi ako agad, kasi mas masaya ako kapag nasa bahay lang ako with my family, ganun kasi ako.”

Klinaro rin ni Aga na hindi porke’t ang kambal lang ang parati niyang ikinukuwento ay hindi na niya napapansin ang panganay niyang si Luigi.

“Of course, he comes to the house every now and then, ang problema kasi ay hindi sa akin lumaki si Luigi kaya ganun. Siguro kung nagka­sama kami nung bata pa siya, baka na-guide ko ng tama ma­la­mang na hin­di siya ganun. Hindi ko si­na­sabing hindi maganda ang pagpapalaki ni Janice (de Belen) sa kanya, dumating kasi sa akin si Luigi, malaki na siya kaya before nagka-clash kami, now hindi na.

“Pero pantay-pantay talaga ang tingin ko sa mga anak ko,” kuwento ng leading man nina Angelica Panganiban at Maricel Soriano sa A Love Story na ipalalabas na sa August.
REGGEE BONOAN
Pilipino Star Ngayon

No comments: